Resources

GivingTuesday FAQ

Ika-29 ng Nobyembre 2022

 

Ano ang GivingTuesday?

  • Ang GivingTuesday ang pandaigdigang kilusan ng pagbibigayan na nagpapalaya sa kapangyarihan ng mga tao at organisasyon na baguhin ang kanilang komunidad at kanilang mundo.

  • Binuo ang GivingTuesday noong 2012 bilang isang ideya: isang araw lamang na humihikayat sa mga taong gumawa ng Mabuti. Sa nakalipas na siyam na taon, ang ideyang ito ay lumago sa isang pandaigdigang kilusan na nagsilbing inspirasyon sa milyun-milyong tao na magbigay, magtulungan, at ipagdiwang ang pagbibigayan.

  • Sinisikap ng GivingTuesday na bumuo ng ng isang mundong may kapangyarihan ng pagbibigayan, at ito ang magsisilbing puso ng lipunang binubuo nang sama-sama, pagbubukas sa dignidad, pagkakataon, at katarungan sa buong mundo.

  • Ang pandaigdigang network ng GivingTuesday ay buong-taong nagtutulungan upang magbigay-inspirasyon sa pagbibigayan, at layuning bumuo ng mundong bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigayan.

 

Kailan ang GivingTuesday?

  • Idinaraos ang GivingTuesday tuwing Martes, taun-taon pagkatapos ipagdiwang ang Thanksgiving ng US at ngyaong taon ay sa ika-29 ng Nobyembre.

 

Sino ang nag-oorganisa nito?

  • Ang GivingTuesday ay isang nonprofit na organisasyon na layuning magpalaya sa kapangyarihan ng mga tao at organisasyon na baguhin ang kanilang komunidad at kanilang mundo. Inoorganisa ang kilusan kasama ang mga pandaigdigang lider, partner, komunidad, at ilang indibidwal na bahagi ng network ng GivingTuesday.

  • Ang pinakalayunin nito ay makalikha ng mundong may katarungan at pagbibigayan, kung saan ito ang magsisilbing puso ng lipunang binubuo nang sama-sama, pagbubukas sa dignidad, pagkakataon, at katarungan sa buong mundo.

 

Sino ang maaaring lumahok?

  • Lahat! Ang GivingTuesday ay binubuo ng malawak na koalisyon ng mga partner, tulad ng mga indibidwal, pamilya, nonprofits, mga paaralan, organisasyong panrelihiyon, maliliit na negosyante, at korporasyon. Maraming tao at organosasyon ang lumalahok sa GivingTuesday sa bawat bansa sa buong mundo.

  • Ang pakikilahok sa GivingTuesday ay pakikilahok sa kilusan ng pagbibigayan, at maraming paraan para magawa ito. Maging boses ka man ng pagbibigayan, magbigay ng anumang bagay, oras, at pera, ang pagigiung Mabuti ay paraan upang ipaglaban ang mga isyu at mga taong iyong pinahahalagahan.

 

Paano ako makalalahok sa GivingTuesday?

  • Ang pakikilahok sa GivingTuesday ay pakikilahok sa kilusan ng pagbibigayan, at maraming paraan para magawa ito. Maging boses ka man ng pagbibigayan, magbigay ng anumang bagay, oras, at pera, ang pagigiung Mabuti ay paraan upang ipaglaban ang mga isyu at mga taong iyong pinahahalagahan.

  • Makipag-ugnayan sa lokal na kilusan ng GivingTuesday sa iyong bansa o sa mga komunidad sa US.

  • Ito ang ilan sa mga ideya:

  • Maging Mabuti sa inyong kapitbahay.

  • Magboluntaryo o magbahagi ng iyong talento.

  • Magbigay boses para sa mga isyung pinahahalagahan mo.

  • Humanap local fundraiser, community drive o coordinated event upang makilahok sa inyong lugar na may kapareho kang interes ukol sa pagbibigayan.

  • Magbigay sa iyong paboritong fundraiser upang makatulong sa mga nagangailangan.

  • Gamitin ang social media upang ipangalap it!

  • Gamiting hashtag na GivingTuesday kung pag-uusapan ang pagbibigayan.

  • Ibahagi ang aming facebook posts—facebook.com/GivingTuesday

  • I-follow kami sa Twitter @GivingTuesday at gamitin ang hashtag na #GivingTuesday.

  • I-follow kami sa Tiktok—GivngTuesday.

  • Instagram—givingtuesday

  • Snapchat—add/GivingTuesday

  • Ibahagi ang aming mga social media sa inyong mga organisasyon at personal social networks.

 

Magkano ang gastos sa pakikilahok?

  • Walang gastos sa pakikilahok sa GivingTuesday. Libre at bukas ang kilusang ito sa pagbibigayan at ang lahat ng aming resources ay libreng makikita sa aming website.

  • Kung ang inyong nonprofit ay gumagamit ng digital fundraising platform, maaaring may perang kaugnayan para sa mga tool na gagamitin—mangyaring i-check ang inyong technology providers. Kapareho ang gastos nito sa kahit anong araw ng taon.

 

Nangongolekta ba ng bayad o pera ang GivingTuesday?

  • Hindi. Ang lahat ng aktibidad ng fundraising at ang pondong nalikom sa GivingTuesday ay direktang pinamamahalaan ng mga kalahok na organisasyon at ipinoproseso ng napiling platform ng pagbibigay.

 

Gusto kong mag-giveback, tumulong sa aking mga kapitbahay, pero paano ko iyon gagawin nang ligtas?

  • Nakatuon ang GivingTuesday sa mga paraan ng pag-giveback at pagsamahin ang mga komunidad nang ligtas. Hinihikayat naming ang bawat indibidwal at organisasyong sumunod sa mga pampublikong alituntunin sa kalusugan at physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

  • Maraming paraan para makapagbigay at makapag-organisa ang bawat tao at organisasyon nang ligtas. Ibinabahagi namin ang ilan sa mga ideyang ito sa pamamagitan ng daily text message campaign na sinimulan ng GivingTuesdayNow (check out the archive here) at i-check din ang aming Ideas page sa aming website.

  • Hindi dahilan ang physical separation upang hindi makapagbigay ng tulong pinansyal, emosyonal, suportang panlipunan na nagpapayaman ng ating pamilya at komunidad. Lahat tayo ay may hatid na regalo, at sa pamamagitan ng social media, online giving, delivery, mail, at phones, walang limitasyon sa pagbibigay para sumuporta sa iba. Magsilbing ilaw sa iba at kumilos.

  • Para sa mga ideya, visit our website o sign up for GivingTuesday Weekly Genorosity alerts para makakuha ng inspirasyon sa pamamaraan ng pagpapakita ng kabutihan at givebacks nang ligtas.

  • Magbabahagi ang GivingTuesday ng mga opurtunidad sa mga indibidwal para makalahok sa mga lokal, rehiyunal, at pambansang kampanya maging mga ideya na maaaring gamitin sa indibidwal na pagkilos o pagsama ng mga pamilya, kaibigan, kapitbahay, katrabaho, at iba pa sa paggawa ng kabutihan.

 

Maaari ba akong magbigay kahit wala akong pera?

  • Kung ikaw ay indibidwal nan ais magbigay, maraming paraan para magawa ito. Ang GivingTuesday ay tungkol sa pagbibigayan sa anumang paraan—marami ang magbibigay ng pinansyal na kontribusyon sa kanilang sinusuportahan, maramin ang tumutulong sa kapitbahay, nagpapasimula ng advocacy campaign, namamahagi ng goods at supplies, nagbabahagi ng pasasalamat sa mga frontliner at sa nagpapanatili ng ating kaligtasan. Ang pagbibigay at kabutihang-loob ay pagbibigayan.

 

Paano nagiging kabahagi ang mga nonprofit at community organization?

  • Bilang isang nonprofit o community organization, maaari kang pumili ng gawain tuwing GivingTuesday at mag-isip ng aktibidad. May mga organisasyong bumubuo ng fundraising events, habang ang iba ay tumutulong sa kanilang komunidad, o pagpapasalamat sa kanilang mga donor. Get ideas here.

  • Hindi tumatanggap ng donasyon ang mga organisasyon mula sa website ng GivingTuesday. Ang pondong nalikom sa GivingTuesday ay direktang pinamamahalaan ng mga kalahok na organisasyon at ipinoproseso ng napiling platform ng pagbibigay.

  • Isang magandang paraan para makatulong ang organisasyon ay paghihikayat sa mga komunidad at tagasuporta na kumilos at gumawa ng kabutihan sa ika-1 ng Disyembre. Gamitin ang hashtag na #GivingTuesday kung mag-po-post sa inyong mga social media para maibahagi naming ang inyong mensahe.

  • Kung bahagi ka ng isang network o lider ng isang grupo, mag-isp ng paraan para mahikayat ang iyong grupo na gumawa ng Mabuti sa araw na ito. Ibahagi ang iyong ideya mula sa aming toolkit sa iyong mga kasama at pumili ng anumang uri ng aktibidad na maaaring magpakita ng inyong interes, kakayahan, o kakaibang asset.

 

Paano maging bahagi ang aking negosyo ng GivingTuesday?

  • Maraming paraan para makipag-partner sa mga organisasyong nakaayon sa iyong layunin at makipag-uganayan sa iyong komunidad upang tumulong sa kanilang mga ginagawa tungkol sa pagbibigayan, at hikayatin ang mga empleyado at mamimili na pagyamanin ang koneksyon at pagbibigayan.

  • Ideya:

  • Subukang mag-sponsor ng match para sa iyong paboritong organisasyon.

  • Mag-host ng isang bahagi ng sales event.

  • Mag-organisa ng staff volunteer day.

  • Find more ideas here.

 

  • Isang magandang paraan para makatulong ang iyong negosyo ay paghihikayat sa mga komunidad at tagasuporta na kumilos at gumawa ng kabutihan sa ika-1 ng Disyembre. Gamitin ang hashtag na #GivingTuesday kung mag-po-post sa inyong mga social media para maibahagi naming ang inyong mensahe.