Gabay sa Pakikilahok para sa mga Kabataan at Magulang
Ang toolkit na ito ay para sa mga bata sa buong mundo na taas-kamay na nagsusumikap upang gumawa ng pagbabago sa kanilang henerasyon (kasama ang kanilang mga guro,tagasanay, tagapayo, at mga magulang). Nasasabik kaming makasama kayo sa GivingTuesday, ang pandaigdigang araw ng pagbibigayan, na magagnap ngayong ika-30 ng Nobyembre, 2021.
Ang #GivingTuesday ay isang pandaigdigan, pinamumunuan ng mga kabataan at young-adult, na pagdiriwang ng kabutihang-loob at pagbabagong panlipunan, na magaganap sa GivingTuesday.
Sa ika-30 ng Nobyembre, 2021, ang mga kabtaan sa buong mundo ay mamumuno sa mga boluntaryong proyekto, kabutihang paggawa, at givebacks – na magpapalaganap ng kultura ng pagbibigayan sa kanilang mga komunidad. Ang #GivingTuesdaySpark ay humihikayat sa lahat ng kabataan na kumilos sa mga layuning kanilang pinahahalagahan.
Madali lamang lumahok sa #GivingTuesdaySpark. Maraming paraan upang gumawa ng pagbabago at bawat kabutihan ay mas makahulugan kung sama-samang kikilos.
Bisitahin ang GivingTuesdaySpark.org upang makakuha ng inspirasyon.
Isama ang inyong mga kaibigan at pagpasyahan ang proyektong nais ninyong gawin sa ika-30 ng Nobyembre. Ibahagi sa amin ang inyong plano.
Ibahagi ang inyong proyekto! Ibahagi ito sa mga dyaryo, radyo, o telebisyon. Ibahagi din sa inyong paaralan! Sa ika-30 ng Nobyembre, ibahagi sa social media gamit ang #GivingTuesday at #GivingTuesdaySpark!
Makipag-uganayan lamang sa aming kung may mga tanong o kailangan Ninyo ng tulong! Maaari Ninyo kaming i-DM sa @GivingTuesday sa kahit anong social media o mag-email sa [email protected].
GivingTuesday
NILALAMAN
Nais Malaman
Ano ang GivingTuesday?
Mga Tips ng #GivingTuesdaySpark
Mga Paraan Upang Makatulong sa Pagpapalaganap ng Layunin
Panimula
Pumili ng Aktibidad sa #GivingTuesdaySpark
Pagbuo ng Proyekto
Paghahanda
FAQ
Para sa mga Magulang
MGA DAPAT MALAMAN
Ano ang GivingTuesday?
Ang GivingTuesday ay nagsimula lamang sa simpleng araw ng pagbibigayan hanggang sa naging isang malaking kilusan ng pagbibigayan sa buong mundo.
Ang GivingTuesday, na nagdiriwang kada taon tuwing Martes alinsunod sa pagdiriwang ng US Thanksgiving, at pinalakas ng ng kapangyarihan ng social media, ay naging inspirasyon sa milyun-milyong tao sa buong mundo na magpakita’t magbigayan ukol sa isyung mahlaga sa kanila. Ang layunin ay makabuo ng malakihang pagbibigayan nang pangmatagalan, at maabot ang bawat tao sa planeta. Ang GivingTuesday ay magaganap ngayong ika-30 ng Nobyembre ngayong taon.
Kasaysayan ng GivingTuesday
Nang mailunsad ang GivingTuesday sa US noong 2012, naniniwala kami na malaking tulong ang teknolohiya at social media sa pagpapalaganap ng kabutihan; na ang mga tao ay nais magbigay; at ang lipunan ay may kapasidad na na magpakita ng makabagong pamumuno, kasikhayan, at kolaborasyon. Ang mga tao at organisasyon sa buong mundo ay pinatunayan ito. Sa loob ng pitong (7) taon, nagbago ang pananaw ng GivingTuesday sa pagbibigayan at naipakita ang lakas ng kakayahan ng mga komunidad na makalikha ng pagbabago.
Ano ang #GivingTuesdaySpark?
Sa pamumuno ng mga kabataan, ang #GivingTuesdaySpark ay tungkol sap ag-aangat ng boses ng mga kabataan na ipalaganap ang kultura ng pagbibigayan sa mga komunidad sa buong mundo. Sa GivingTuesday, ang #GivingTuesdaySpark ay mamumuno ng mga boluntaryong proyekto, kabutihang gawain, at givebacks. Ang #GivingTuesdaySpark ay nalinang, pasasalamat sa positibong pananaw ng mga kabataang na baguhin at hikayatin din ang mga kapwa nila na kumilos para sa mga bagay na pinakamahahalaga sa kanila.
PANIMULA
Unang Hakbang – PUMILI NG AKTIBIDAD
Tukuyin ang proyekto o mabuting gawain na tutugon sa isyung malapit sa inyong puso. Hinihikayat naming kayo sa malakihang proyekto ng kabutihan na magbibigay-serbisyo sa inyong komunidad.
Ito ang ilan sa mga tips:
Simulan Ninyo ito nang mas maaga.
Isama ang inyong mga kaibigan. Tanungin ang isyung malapit sa kanila. Lumapit sa inyong mga lokal na organisasyon at sumanggunin kung paano ka makatutulong na makilahok.
Bagaman pinakamainam ang paggawa ng iyong proyekto sa ika-30 ng Nobyembre, 2021, maaari mo pa ring isagawa ito bago o pagkatapos ang linggo ng GivingTuesday at OK lang iyon!
Mga Ideya sa Proyekto
Marami kang makukuhang ideya mula GivingTuesdaySpark.org. Ilan sa mga panimulang kaisipan ay – “the sky is really the limit:”
Pangangalaga sa Kalikasan: maglinis ng mga kalapit na palaruan, parke, o tabing-dagat; magtanim sa hardin; mag-ani ng mga gulay at prutas; o magtanim ng mga puno.
Pagsuporta sa Kasamang Nangangailangan: mangolekta at magkaloob ng mga gamit sa eskwelahan; bumuo ng toy drive bago ang Kapaskuhan; o bumisita sa ospital ng mga bata.
Pagpapalaganap ng Pagbibigayan: gumawa ng generosity wall upang magpalaganap ng kabutihan; sumulat ng mga tala ng random-act-of-kindness at ilagay ang mga ito sa pambublikong lugar.
Pagtulong sa mga Taong Walang Tirahan: maghanda ng mga care kit at ipamahgi sa mga taong walang tirahan; magboluntaryo sa mga kusinang-bayan; magkaroon ng clothing drive at ipagkaloob ito sa mga ampunan.
Pagtulong sa mga Matatanda: magbigay-tulong sa mga pamilihan; sumulat mamahagi ng mga “get well soon” card; bumisita sa mga nursing home at mag-organisa ng konsyerto; mamahagi ng pagkain.
Pagtulong sa mga Hayop: magboluntaryo sa mga animal shelter; bumuo ng isang donation drive at ipangsuporta sa mga hayop na may pangangailangan; itaguyod ang pag-aampon sa mga hayop.
Pagsuporta sa mga nasa Serbisyo: sumulat ng mga mensahe ng pasasalamat; maglaan ng oras sa mga retiradong sundalo; magpadala ng liham sa mga sundalong nasa ibang ibayo; magtahi ng mga kubrekama para sa mga batang nasa ibang bansa ang mga magulang.
Pagtugon sa Bullying: humingi ng tulong sa inyong paaralan upang magsimula ng mga talakayan ukol sa pagbabawal ng bullying; magbahagi ng mga words of kindess sa loob ng paarala at sa social media.
Pagpapakain sa mga Nagugutom: maghanda ng pagkain, maglagay ng kind notes, at ipamigay ang mga ito sa kung sinuman ang nagugutom. #HashtagLunchbag
Pagtuturo ng Pagbibigayan: makipag-ugnayan sa mga guro at sa administrasyon ng inyong paaralan upang mag-organisa ng mga talakayan sa klase at/o proyekto at gamitin ang mga lesson plan mula sa GivingTuesday.org/Kids
Ikalawang Hakbang – PAGBUO NG PROYEKTO
Pagdisenyo sa Proyekto
Ang inyong proyekto ay maisasagawa sa maraming paraan. Karamihan dito ay nakadepende sa dami ng iyong mga kasama.
Bumuo ng madaling registration system. Pinakamadali ang simpleng paglalagay lamang ng pangalan, numero o email kung saan maaaring mag-sign up ang mga makakasama. O hindi kaya ay bumuo ng isang Facebook event.
Pagsusukat
Sa ika-1 ng Disyembre, araw pagkatapos ang GivingTuesday, hihilingin naming ang ulat ninyo sa inyong proyekto. Pag-isipan kung nasusukat ba ang epekto ng inyong proyekto, Halimbawa:
Kung magpupulot ng kalat sa inyong kapitbahayan, masuuskat mo ba ang bigat ng basurang nakolekta?
Kung mamimigay ng mga care kit sa mga taong walang tirahan, ilang bag ang inyong naibigay?
Ilan ang mga makakasama sa proyekto?
Pagpapalaganap ng Salita
Gawing interesante at mamuno nang may pananabik sa iyong proyekto. Mag magiging ineteresado ang mga kasama kung palagi silang kakausapin.
Tignan kung maaaring gamitin ang toolkit na ito sa inyong paaralan upang makapag-organisa ng proyekto.
Mayroong mga graphics at flyers na maaaring i-download mula sa GivingTuesdaySpark.org.
Ipalaganap ito sa pamamagitan ng email, Whatsapp, o iba pang social media.
Tinitiyak ng mga tao kung ang kanilang inilalaang oras ay nakagagawa ng pagbabago. Ipangalap ang mensahe na makapagpapanabik sa mga tao at mas maging kabahagi sila ng pandaigdigang saklaw ng GivingTuesday at kahalagahan ng inyong napiling proyekto.
Maglunsad ng buddy system. Malaking tulong ang pakikibahagi ng mga kaibigan. Kaya himukin ang mga kasamang hikayatin din ang kanilang mga kaibigan!
Habang nalalapit ang ika-30 ng Nobyembre, 2021, tiyaking malinaw ang lahat ng detalye ng proyekto sa iyong mga kasama. Linawin ang damit na kanilang susuotin at mga gamit na dadalhin. Ibigay ang araw at oras, lugar, at mga direksyon ng proyekto; linawin ang magiging kaganapan at sinu-sino ang makikita sa kanilang pagdating; hilinging kausapin ka nila kung mayroon mang pagbabago sa kanilang plano o kung hindi sila makadadalo.
Magpaalala sa kanila ilang araw bago ang proyekto.
Ikatlong Hakbang – “GET READY, GET SET, GO!”
Malugod na salubungin ang mga dumalo:
Dalhin ang Hype: Ibahagi sa kanila kung tungkol saan ang GivingTuesday, ipaalala na nakikilahok sila kasama ang maraming kabataan sa buong mundo, at ipakilala kung sino ang mga matutulungan ngiyong proyekto,
Isaisip ang Kaligtasan – Kaligtasan ng inyong mga kasama ang dapat na maging pangunahing alalahanin. Bago pumili ng proyekto, siguraduhing mananatiling ligtas ang lahat at magkaroon ng checklist. Paalalahanan din ang inyong mga kasama. Tiyaking laging may kasamang nakatatanda!
Capture The Good.
Kung may oras sa inyong aktibidad, hikayatin ang iyong mga kalahok na kumuha ng mga maiikling bidyo, kung saan ilalarawan nila ang kanilang gagawin para sa GivingTuesday. Maaari ka ring magtalaga ng isang kasama na mag-ikot at kumuha ng mga larawan (may permisyon ng kalahok). I-post ang mga ito sa TikTok, Snapchat, Instagram, Facebook, at iba pang social media, gamitin ang #GivingTuesdaySpark na tag.
Paalala sa mga magulang: ang pag-share sa social media ay opsyonal, inirerespeto naming ang privacy ng mga bata. Mas mahalaga ang maging kabahagi sila ng proyekto!
Tapusin ang Event – Matapos ang inyong proyekto:
Maglinis – Hilingin sa bawat isa ang pagkilos! Magtalaga ng mga lider na mamumuno sa inyong mga kasama sa pagpapanatili ng kaayusan ng lugar nang dumating kayo rito. Ang lahat ng materyales ay maaaring gamit na o galling sa donasyon. Ang lahat ng bagay ay dapat na naibalik na sa kanilang pinanggalingan.
Pagkilala – Kumuha at mag-post ng larawan gamit ang hashtag na #GivingTuesdaySpark + #GivingTuesday
Reflection – Makatutulong ito sa pagmumuni ng mga kasama ukol sa naganap na proyekto. Maraming paraan para magawa ito. Ang talakayan kasama ang buong grupo, pagsusulat ng kanilang mga karanasan, at paglikha ng photo journal ng proyekto ay iilan lamang sa mga ito.
Bisitahin ang GivingTuesdaySpark.org at ibahagi ang inyong nagawa, ilagay ang inyong mga larawan, bidyo, at ilan ang inyong mga nakasama.
Tiyaking mananatiling may kontak sa GivingTuesday Spark HQ at subukang bumuo ng Spark chapter!
Ang pagbibigayan ay hindi natatapos dahil lamang tapos na rin ang GivingTuesday! Ang pagbibigayan ay nangyayari sa buong taon! Palagi naming nais malaman kung kamusta at paano naming masusuportahan ang inyong mga naisasagawa. Nais din naming kayong patuloy na i-update sa mga kaganapan sa kilusan ng GivingTuesday, patuloy na tulungan, patuloy na palakasin ang proyekto, kaya naman mananatili kaming narito!
Mas palakasin pa ninyo at simulant ang Spark chapter. Maaari kayong magpasimula ng pagbibigayan, maliit man o malaki, at magiging bahagi kayo ng pandaigdigang kilusan ng pagbibigayan at changemaking at maaaring maging parte kayo ng aming pandaigdigang mapa ng kampanyang pangkomunidad at ng mga Spark chapter! Para sa iba pang kaalaman tungkol sa Spark chapter, click here!
FAQs
T: Ano ang GivingTuesday?
S: Ang GivingTuesday, na nagdiriwang kada taon tuwing Martes alinsunod sa pagdiriwang ng US Thanksgiving, at pinalakas ng ng kapangyarihan ng social media, ay naging inspirasyon sa milyun-milyong tao sa buong mundo na magpakita’t magbigayan ukol sa isyung mahlaga sa kanila. Ang layunin ay makabuo ng malakihang pagbibigayan nang pangmatagalan, at maabot ang bawat tao sa planeta. Kilalanin pa ang GivingTueday dito.
T: Ano ang #GivingTuesdaySpark?
S: Sa pamumuno ng mga kabataan, ang #GivingTuesdaySpark ay tungkol sap ag-aangat ng boses ng mga kabataan na ipalaganap ang kultura ng pagbibigayan sa mga komunidad sa buong mundo. Sa GivingTuesday, ang #GivingTuesdaySpark ay mamumuno ng mga boluntaryong proyekto, kabutihang gawain, at givebacks. Ang #GivingTuesdaySpark ay nalinang, pasasalamat sa positibong pananaw ng mga kabataang na baguhin at hikayatin din ang mga kapwa nila na kumilos para sa mga bagay na pinakamahahalaga sa kanila.
T: Kailan ako magiging kabahagi ng #GivingTuesdaySpark?
S: Sa mga sandaling handa kana, at nais mo nang ipalaganap ang pagbibigayan! Bagaman tuwing Martes sa buong taon ang araw ng pagbibigayan sa GivingTuesday, ang pinakamalawak na araw ng pagbibigayan ngayong taon ay sa ika-30 ng Nobyembre, 2021!!
T: Paano ako mag-sa-sign up sa #GivingTuesdaySpark?
S: Pumili ng isyung malapit s aiyo at i-register ito sa GivingTuesdaySpark.org. Hinihikayata din namin na yayain ang inyong mga kaklase, kaibigan, at pamilya, at planuhin ang proyekto bilang isang grupo.
T: Ano ang dapat kong gawin para sa proyekto ko sa #GivingTuesdaySpark?
S: Anumang proyekto na nagpapalaganap ng pagbibigayan, o pagtulong sa iba o kalikasan ay maaaring maging proyekto sa GivingTuesday. Kung hindi ka siguradp sa iyong proyekto, maaari mong tignan ang aming website para sa mga ideya.
T: Maaari ko bang gamitin ang logo ng #GivingTuesdaySpark para sa pagsusulong ng aking proyekto?
S: Absolutely! Hanapin lamang ang mga logo, poster, ang mga post sa social media sa GivingTuesdatSpark.org.
T: Paano ko maipadadala ang aking mga litrato, reports, at link mula sa aking proyekto sa #GivingTuesdaySpark?
S: Pagkatapos ng ika-30 ng Nobyembre, 2021, magpapadala kami ng survey sa lahat ng kalahok ng GTSpark kung saan maaari ninyong ilagay ang detalye ng inyong proyekto, mga aktibidad, at mga larawan.
T: Paano ninyo pinoprotektahan ang privacy?
S: Ang inyong privacy ay mahalaga para sa amin. Mangyaring tignan ang gabay sa magulang para sa kumpletong detalye ng aming pagbabahagi ng proyekto ng inyong mga anak at paano kayo mag-opt out kung kinakailangan. Ang impormasyong inyong pinapasa kung ma-register ang proyekto ng inyong mga anak ay tanging GivingTuesday lamang ang makatatanggap at nasa aming secure server at hindi namin ito ibabahagi o ibebenta.
T: Nagbibigay ba kayo ng tulong pampinansya?
S: Hindi nagbibigay ang GivingTuesday ng tulong pampinansya sa mga lokal na proyekto. Hinihikayat namin na humanap ng isponsor para sa gastusin ng proyekto.
T: Saan ko makahahanap ng mga kasama sa aking rehiyon o lungsod?
S: Ang mga grupo at organisasyon na kabahagi ng GivingTuesday ay nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ito ang listahan ng mga kilusan na nagaganap sa buong mundo, at ang aming mga chapter sa US. Maaari kang makipag-ugnayan sa mga lider para sa iyong proyekto.
T: Saan ako mananatiling updated sa GivingTuesday?
S: Maaari mong i-follow ang GivingTuesday sa Facebook, Twitter, LinkedIn, Tiktok, at Instagram. Maaari ring makilahok sa aming newsletter para sa mga balita tungkol sa GTSpark.
T: Mayroon pa akong katanungan!
S: Kami ay naggalak na matulungan ka! Sumulat lamang sa [email protected] at maging miyembro ng aming grupo.
Para sa mga Magulang
Privacy
Pinangangalagaan naming ang privacy ng inyong mga anak. Kapag na-register na ninyo ng inyong anak ang proyekto, ang lahat ngbimpormasyon ay nasa secure server lamang ng GivingTuesday, at hindi naming ito ibabahagi o ibebenta. Ang inyong email address ay gagamitin lamang upang makipag-uganayn sa inyo, sa pakikipag-ugnayan ukol sa proyekto ng inyong anak at para ipaalam ang proyekto ng #GivingTuesdaySpark sa susunod na taon. Kung mayroon pang mga katanungan o paglilinaw, mangyaring magpadala lamang sa amin ng email.
Pagbabahagi ng Proyekto ng inyong mga Anak sa Social Media
Naniniwala kaming kapag ibinahagi ang pagbibigayan, nagiging inspirasyon ito sa iba upang magbigayan din, isang ripple effect na makapagbabago ng mundo. Bagaman hinnihikayat naman ang pagbabahagi sa social media, hindi naman ito rekisito upang makilahok sa #GivingTuesdaySpark.
Tips para sa Kaligtasan sa Social Media
Maaari kayong magbahagi ng mga larawan at bidyo sa Facebook na tanging naka-“friends only,” pero tandaan na hindi ito kayang ma-share ng GivingTuesday. Kung nanaising ninyong ibahagi naming ito, tiyaking naka-piblic ito.
Kapareho sa Instagram, hindi rin naming ito maibabahagi liban kung ito ay naka-public. (kahit na gamit ninyo ang #GivingTuesdaySpark)
Para sa kaligtasan ng inyong mga anak, maaari niyong i-off ang geolocation sa inyong post at huwag mag-check in kung saan man.
Photo/Video Use Policy
Magbabahagai kami sa social media ng anumang may #GivingTuesdaySpark na hashtag sa aming GivingTuesday page sa anumang social media. Bahagi nito ang mga larawan at bidyo ng inyong proyekto. Hindi naming ibabahagi ang buong pangalan at eksaktong lokasyon nginyong mga anak. Kung ayaw ninyong ibahagi ang larawan at proyekto ng inyong mga anak, makipag-ugnayan lamang sa amin sa [email protected].